matabangutak:
Kapag inlove kasi tayo, sobrang inspired natin. Tipong naiisip natin yung mga bagay na hindi natin naiisip nung malungkot tayo. Tipong tayo yung tao na para bang wala ng pangarap sa buhay dahil sa kalungkutan. Pero sa oras na maramdaman mong inlove ka at masaya ka? Para bang kakaiba ang nararamdaman mo, parang gusto mo lahat ng pangarap mo ay matupad. Paano naman kasi, may inspirasyon ka na.
Meron kang taong pagpapahangaan ng mga accomplishments mo sa buhay. Kaya minsan naghahanap tayo ng taong mamahalin natin para may mag alaga at the same time maging inspirasyon din natin sa pang araw-araw nating gawain.